Wala Nang Tao Sa Santa Filomena
(Alay sa mga taga-roon) words & music by Joey Ayala; chords provided by Grupongsagip
Am
Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan
Dm
Am
E
Anino niya'y tumatawid sa nanunuyong palayan
Am
Tanging sagot sa sigaw niya ay katahimikan
E
At kaluskos ng hangin sa dahon.
Am
'Sang ikot pa huling sulyap
Sa ibabaw ng bayan
Dm
Am
E
Mga kubong pinatatag ng nipa at kawayan
Am
"Paalam na, paalam na" ang awit ng langay-langayan
E
Am
Ngunit walang nakasaksi sa palayo niyang lutang.
KORO 1
Dm Am Dm
Am
'Pagkat wala nang tao sa Santa Filomena
Dm Am
Dm Am
Walang aani sa a-lay ng lupa
E
Nakayuko ang palay
Am
E
Tila bang nalulumbay
Am
G Dm
E Dm Am
Tila bang naghihintay ng karit at ng kama- a-ay
Nahihinog ang bunga ng mga mangga't bayabas
Pinipitas ng hangin at sa lupa'y hinahampas
Sinisipsip ng araw ang tamis at katas
Iniiwan ang binhing umaasa.
At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan
Muling dadaloy ang dugo
Sa ugat ng parang
Subali't ang lahat na to'y masasayang.
KORO 2
Dm Am
Dm Am
'Pagkat wala nang ta - o sa Santa Filo-me- na
Dm Am Dm
Am
Walang aani sa alay ng lupa
E
Ang palay ay nakayuko
Am
E
Tila bang sumusuko
Am
G Dm
E Dm Am
Naghahandog ng buhay sa karit at kamao- o-o.
Lumilipad sumisigaw
Ang langay-langayan
Dm
Am
E
"Nasaan ka at bakit ka nagtatago taumbayan?
Am
Dm
Panahon na, panahon nang
Am
Balikan ang iniwan"
E
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
Am
E Dm - Am
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan.