|
Dinggin Ang Daing
John Manalo (papuri 10)
O Dios dinggin mo daing ng aming bayan
Kawalang katarungan bunga ng kasakiman
Huwag sanang paalipin
sa udyok ng kasalanan
Dulot ng kapangyarihan
at angking kayamanan.
Koro:
Nagsusumamong kami ay
bigyan
Ng lakas upang sala'y talikdan
Maghari't magliwanag ka O Dios sa aming bayan
Nang aming masumpungan
pangako Mong kaligtasan.
O Dios dinggin Mo daing ng aming bayan
Mga bagay na walang
halaga siya naming sinasamba
Sa Iyong kabanalan bulag at naging mangmang
Dahil sa aming
kasalanan, bayan ay nagdaramdam.
(Koro 2x ulitin)
|